Quote:
Tama ka riyan, Ninong… ang mekanismo natin dito ay isa kooperatiba na ibig sabihin may shares ang bawat miyembro at ito ay nakatala sa isang certificate at resibo.
Transparency system ang binubuo natin dito, kapatid. Di lang isang tao o treasurer ang may hawak ng susi sa kayamanan ng Coop… Sa ngayon, nasa 3 tao ang susi ng bawat transaction sa coop kung may withdrawal o deposit na mangyayari sa account ng coop. Si Treasurer ang may hawak ng PIN. Si Asst Treasurer ang may hawak ng passbook at si Auditor naman ang may hawak ng card.
Tama ka rin kapatid na namerwisyo ang mga katulad ng CAP at Unionbank pero ang tanong diyan, pareho ba ang naging mekanismo? Ang sagot ay hindi. Parehong corporation ang estado ng bawat isa at hindi kooperatiba. Isa pang tanong – binantayan ba ang GOVERNANCE ISSUES at CONCERNS ng mga entity na ito? Ang sagot din ay hindi. Isa pa… naging transparent ba ito sa kanyang nasasakupan? Iyan ang naging palaisipan dahil bakit ito nagkaroon ng problema sa mga papel kung naging transparent nga.
Maging palaisipan din natin na kung forever tayong matatakot o may sariling multo at hindi pag-aralan at kilalanin ang mga kooperatibang umabante tulad ng Angono Credit Cooperative
http://tucp-ph.org/is/comments.php?id=10_0 _1_0_C
o ang Pasali Cooperative ng mga seafarer sa Netherlands
So, ang sitwasyon natin:
bilang individual – kaya nating mag-ipon – check
bilang grupo – di natin kayang mag-ipon kasi walang tiwala – check for now maybe but not check forever… di ba?
Marahil ang iba sa atin ay gifted with talents to multiply their millions alone but more often than not, mas powerful kung sama-sama at may tiwala sa isa’t isa. Realidad na ang nangyayari sa Angono Credit Cooperative, Pasali at
Sunrise International School sa Jeddah
http://www.arabnews.com/services/pri…?artid=4709 1
na isang international school na gawa ng isang OFW cooperative. Bakit nga ba di buuin ng isang OFW cooperative ang FISJ project natin?
Besides, habang binubuo ang isang child entity o project ng isang kooperatiba, mayroong nangyayaring magaganda like pagkakaroon ng mga dagdag na trabaho at pagbuhay ng SELF-ESTEEM ng mga miyembro.
Also, may cycle ang buhay. Let’s give it a try. Habang ngayon kaya mong bantayan para maayos ang takbo at may nangyayaring maganda, tuloy lang. Huwag matakot sa mga multo dahil pag nauna ang takot, sayang ang tsansa na matutunan at maging kaisa para sa pagbuo ng mekanismong maaaring paraan natin para maiangat ang lahing Pinoy. Ika nga… try and try until you succeed and until you meet the right blend of folks to work with. Pag takot ang mga katrabaho mo – tiyak risk iyan. We should be brave to guard risks… investment mo, bantayan mo ika nga.




Originally Posted by d_southpaw
Dagdag lang ako ng ilang tanong Ka Tonyang.
Bukod sa PNB and Metrobank, anu-ano pang mga banks or financial institutions ang
nagpo-provide ng remittance services papunta sa Pilipinas ?
What does it take to participate in this business segment (aside from capital. although it is probably one of very few major factors to be able to be a player)
What are the procedures to setup such a business ?
Happy new year, Kapatid!
May Western Union na naka-tieup sa Suruga bank sa Japan.
Maybe one of the easiest ways is to form a Western Union model type of business.
Base is to have your own firm. Then either you have a conduit in the Phils or in Japan or elsewhere then cross-transaction. Note that there are involved items:
1. cash pooling
2. forex trading
3. cash reserves
Btw, may mga online at text facility na rin. Mayroon na ring legal na door to door remittance business ngayon like LBC’s.
Also, ang postal offices natin sa Pinas, may channel na ring binubuo.
Ang di naiintindihan ng marami, di tayo kikita sa remittance charges. Kikita tayo ng malaki sa ganitong business sa forex trading o buy-sell currencies actually.
Hope this helps.
Sa isang banda… ang proposal ko sa Shien Coop… bumuo ng isang quasi coop bank o kung kaya ng pooled funds mula sa coop savings, bumili ng isang coop savings o coop thrift bank sa Pinas o somewhere out there kasi mahirap ang regulatory requirements ng BSP. Tapos maraming conduit institutions ito dahil nasa network ito ng mga coop sa buong Pilipinas via Coop Union of the Phils at potential din ang connections sa coop network sa Japan through the union’s introduction later on. May paraan man na mabilis o para mapabilis, it might be a long way to go for us… kasi iyung commitment, dedication at financial literacy ng karamihan, di pa sapat. Tapos, nauuna pa ang mga sari-sariling prioridad kaya problema ang scheduling. Palaging “greeks” ang mga pinagsasabi ko tuloy pag nakita ko sila muli sa isang assembly dahil di nila nai-imbibe ang dapat alam para mabuo ang ganitong project. Can’t blame them. Gusto lang nilang maging investors pero gusto ko naman na alam nila ang nangyayari sa mga perang i-invest namin. Kahit sinong Pinoy sa Japan, welcome sa Shien Coop. Balance of thoughts… it might take years. Nevertheless, ang mga Shien Cooper, may tiwala na sa isa’t isa kaya maganda ang nangyayari. .
Great website. Be good to my jocular practitioner I have a nice joke for you) Did you hear about the butcher who accidentally backed into the meat grinder? He got a little behind in his work.
Hi, I can’t understand how to add your site in my rss reader. Can you Help me, please
rH3uYcBX
You you should edit the blog name title ISSUES | OFW-SHIEN Cooperative to more specific for your content you write. I enjoyed the post yet.